Pangarap Ka Na Lang Ba??
Lil Gloc & Lil Coli
Chorus:Pangarap ka na lang ba,
O magiging katotohanan pa,
Bakit may mahal ka ng iba?,
Ngunit di bale na, kahit mahal mo sya,
Mahal...naman...kita
I
Lil coli:
Halos naging alipin ng pagmamahal sayo
Isandaang porsyento puso ko'y nakuha mo
Araw-araw, gabi-gabi nasa isip ka
Tatanggapin ko ang lahat makasama lang kita,
Kahit ako'y alipin okey lang sa akin
Basta't iyong aminin na ako'y mahal mo rin
Ngunit sa panaginip ko, ako ay nagising na
Lupa ako at langit ka
Isa ka lang pangarap na di ko maapuhap
Mahal mo pa'y iba yan ang napakasaklap
Hanggang pasulyap-sulyap hanggang pagtingin na lang,
Pagyakap sa iyo hanggang sa panaginip lang,
At least sa panaginip ko wala ibang kaagaw
Sa panaginip ko tanging ako lang at ikaw
At kung alam mo lang na ika'y tunay kong pangarap,
Mahalin mo lang ako para ng nasa alapaap
Repeat chorus
I
iLil gloc:Buksan ang dalawang mata pati na ang puso mo,
Bakit di tanggapin pagmamahal kong totoo
Binubulyawan,
ako'y minumura mo pa
Bakit di ko magawa pag-ibig ibaling sa iba
Ikaw na lang lagi sa puso ko't aking isipan
Ngunit bakit ba naman pag-ibig ko'y pinahihirapan,
Sa bawat araw at oras, minuto, segundo
Makita lang kita tumatalon ang puso ko
Sa isang ngiti mo lang katumbas na'y isang dolyar,
Bagay na bagay ikaw ang milk ako ang sugar,
Ngunit makita kita na may kasama kang iba,
Lungkot na lungkot halos puso'y madurog na,
Tinangka kong lumapit ngunit ika'y lumalayo,
Kaya tibok ng puso ko parang tuluyang huminto,
Now i realize hindi tayo sa isa't-isa
Magkaganunpaman minamahal pa rin kita
Repeat chorus